Deputy Speaker Oaminal nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at May 18 2021 09:29 AM

Kinumpirma ni Mayor Sancho "Ando" Oaminal ng Ozamiz City na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang ama na si Deputy Speaker at Congressman Henry Oaminal.

Sa post nito sa kanyang Facebook page, May 17, Lunes, inihayag ng nakakabatang Oaminal na naka lockdown ng 14 na araw ang bahay ng kanyang ama bilang pagsunod sa protocols. 

Isinumite din ng kanyang ama ang sarili para sa contact tracing. 

Inabisuhan din ang mga malalapit na nakasalamuha ng kanyang ama simula noong Sabado, May 15 na boluntaryong magpa quarantine.

Si Deputy Speaker Oaminal ay huling nag negatibo sa COVID-19 test noong, Biyernes, May 14. 

Ayon kay Mayor Ando ang huling pisikal na pagkikita nila ng kanyang ama ay noong Huwebes, May 13.

Humihingi ang pamilyang Oaminal ng dasal para sa agarang pag galing ni Deputy Speaker Oaminal.

Noong May 4, unang isinalang sa vaccination ng mga senior citizens laban sa COVID-19 sa Ozamiz City si Deputy Speaker Oaminal. Ulat ni PJ dela Peña 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.