5 mangingisdang nawala noong Bagyong Crising, nasagip sa Davao Oriental

ABS-CBN News

Posted at May 18 2021 08:59 PM

Kuha ng Mati City LGU

Limang mangingisda na taga-Sarangani Province ang nasagip sa dagat lulan ng kanilang bangka matapos maabutan sila ng Bagyong Crising noong Huwebes.

Ayon sa Mati City LGU, Sabado pa nang masagip ng dumaan na bangka ang limang mangingisda, pero Martes lamang nai-report ang rescue sa City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Hindi naman nagtamo ng serious injuries ang mga mangingisda, na kinilalang sina Yolando Gino, 55; Preceliano Cong, 31; Arnil Sulas, 28; Ronie Gino, 30; at Gilbert Castaneres, 42.

Noong Mayo 13, pumalaot ang mga mangingisda mula sa bayan ng Baganga sa Davao Oriental, walang malay sa paparating na bagyo.

Mahigit isang araw umanong palutang-lutang sa karagatan ang mga mangingisda matapos tumaob ang kanilang bangka dahil sa bagyo.

Binigyan ng tulong ng lokal na pamahalaan ang mga mangingisda, kabilang ang ilang food pack.

Samantala, patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang isang mag-ama sa Baganga na pumalaot din sa kasagsagan ng Bagyong Crising.-

- Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.