PatrolPH

Pagpapalipad ng saranggola pinagbawal sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at May 18 2020 01:25 PM

Ipinagbawal ang pagpapalipad ng saranggola sa Valenzuela na madalas na sanhi ng power interruption o pagkawala ng kuryente, ayos sa city government nitong Lunes.

Sa ilalim ng Ordinance No. 695-2020, na ipinasa noong Mayo 11, ipinagbabawal ang pagpapalipad ng mga saranggola sa Valenzuela habang patuloy na hinaharap ng bansa ang coronavirus pandemic.

Nauso ulit ang pagpapalipad ng mga saranggola nang mapilitang manatili sa bahay ang maraming mga Pinoy para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

“Flying kites near power lines could cause sudden power outages and worse, even electrocution,” sabi ng city government sa isang pahayag.

Ang mga lalabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P1,000 o sasailalim sa 24 oras na community service sa first offense; P3,000 o 48 oras na community service sa second offense; at P5,000 o 72 oras ng community service sa third offense.

Mawawalan ng bisa ang ordinansa kapag naialis na ang deklarasyon ng state of public health emergency sa bansa, ayon sa lokal na pamahalaan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.