PatrolPH

Mga tricycle, pedicab balik-pasada na sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at May 18 2020 11:43 AM

MAYNILA – Balik-pasada ngayong Lunes ang mga tricycle at pedicab sa Pasay City sa gitna ng umiiral na modified enhanced community quarantine.

Papayagan lamang ang mga tricycle at pedicab na pumasada basta sumusunod sa mga panuntunang itinakda ng lokal na pamahalaan, na layong makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Kabilang sa mga panuntunan ang pagsusuot ng face masks ng mga driver at pasahero, paglalagay ng alcohol sa sasakyan, pagkabit ng plastic shield sa pagitan ng driver at pasahero, pagsusuot ng gloves ng driver, at regular na pag-disinfect o paglilinis ng behikulo.

Isang pasahero lang ang puwedeng isakay kada biyahe, base sa guidelines.

Nasa P30 ang pasahe sa tricycle at P20 sa pedicab, na maaaring tumaas depende sa layo ng biyahe.

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.