PatrolPH

Lalaki patay sa pamamaril sa Cadiz City

Mitch Lipa, ABS-CBN News

Posted at May 18 2020 08:35 PM

Lalaki patay sa pamamaril sa Cadiz City 1
Photo courtesy of Richmond de Asis

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang pamangkin nito matapos mabaril sa Cadiz City, Negros Occidental nitong Linggo.

Nangyari ang insidente pasado alas-5 ng hapon sa Purok Ginkaisahan na sakop ng Barangay Caduhaan.

Sa pag-iimbestiga ng pulisya, lumalabas na balak sanang pagtulungan ng mag-tiyuhing si Rigoberto Javier at Kim Javier ang 44-anyos na suspek na kanilang nakaalitan.

Tinangka umanong saksakin ng isa sa mga biktima ang suspek, pero naunahan ang mga ito at binaril.

Namatay si Rigoberto matapos tamaan ng bala sa ulo, samantalang sugatan naman sa kamay si Kim.

Nakatakas ang suspek matapos ang krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.