3 Pinoy na dinukot sa Libya nakauwi na sa bansa

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at May 18 2019 05:03 PM

Nakauwi na ang tatlong Filipino engineer na dinukot sa Libya noong nakaraang taon.

MAYNILA - Nakabalik na sa bansa nitong Sabado ang 3 Pinoy engineer na nailigtas matapos dukutin sa Libya 10 buwan na ang nakakaraan.

Pinangunahan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagsalubong sa kanila sa Ninoy Aquino International Airport. Kasama sa mga sumalubong ang mga pamilya ng tatlong engineer. 

Sinagot ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ang gastos sa pagpapauwi sa mga Pinoy na dinukot noong Hulyo 2018.

Kinuha ang 3 Pinoy kasama ang isang South Korean sa project site ng Great Man-Made River Project sa katimugang bahagi ng Libya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.