Buy-bust sa Calamba nauwi sa barilan; 2 suspek patay

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at May 18 2018 10:08 AM

Patay ang 2 drug suspek matapos makipagbarilan sa mga operatiba sa Barangay Bucal, Calamba City, Biyernes ng hatinggabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Raymond Angeles at isang alyas Anjo, kapwa nasa drugs watchlist ng awtoridad.

Nakatunog umano ang 2 suspek na mga operatiba ng Drug Enforcement Group at Philippine Drug Enforcement Agency ang mga ka-transaksiyon nila sa Pamana Subdivision.

Pinaputukan umano ng mga suspek ang mga operatiba. Gumanti ang operatiba na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.
 
Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 na baril, mga bala, 18 plastic sachet ng hinihinalang shabu at perang ginamit sa buy-bust operation.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.