TINGNAN: Cell phones, mga bawal na gamit nakumpiska sa Tacloban jail

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at May 18 2017 12:48 PM

Samu’t-saring ipinagbabawal na kagamitan ang nakumpiska ng awtoridad mula sa mga selda sa Tacloban City Jail matapos ang isinagawang Oplan Galugad nitong Huwebes ng umaga.

Ilan sa mga nakuhang bagay mula sa mga selda ay mga matutulis na gamit, cord, cellphones, lighters at iba pa.

Kasunod nito, isinailalim naman sa sorpresang drug test ang ilang bilanggo at jail officers ng Tacloban City.

Ayon kay Jail Supt. Peter Bongngat Jr., nagdulot na ng maganda ang matinding pagpapatupad ng mga patakaran sa loob kaya wala nang nakuhang bawal na gamot.

Ang pagsasagawa rin ng drug test ay naglalayong linisin ang Tacloban City Jail.

Inaasahan na ipapalabas bukas ang resulta ng drug test.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.