Sanggol, natagpuang patay sa isang sapa sa Agusan del Norte

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at May 18 2017 09:20 PM

AGUSAN DEL NORTE—Isang bagong panganak na sanggol ang natagpuang patay at palutang-lutang sa Buhang Creek, Magallanes nitong Huwebes.

Isang residenteng nagngangalang Fredo Paigan ang unang nakadiskubre sa patay na sanggol habang namumulot ng kahoy na panggatong. 

Tumawag siya sa Philippine National Police-Magallanes upang i-report ito.

Ayon sa pulisya, walang nakakita kung sino ang nag-iwan sa sanggol sa sapa. Dalawang araw pa lamang umano ang nakalilipas matapos ipanganak ang sanggol.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang pangyayari at nakipagsanib-pwersa sila sa Municipal Health Unit upang malaman kung sino ang dapat managot sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.