Drug suspek sa Butuan, patay matapos makipagbarilan sa pulis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Drug suspek sa Butuan, patay matapos makipagbarilan sa pulis

Drug suspek sa Butuan, patay matapos makipagbarilan sa pulis

Richmond Calo Hinayon,

ABS-CBN News

Clipboard

Mga narekober na pinaghihinalaang shabu at iba pang paraphernalia sa mga suspek na umano'y nakipagbarilan sa pulis ng Butuan City Huwebes. Richmond Calo Hinayon, ABS-CBN News

BUTUAN CITY — Isang suspek ang patay matapos umanong makigpagbarilan sa mga pulis sa isang buy-bust operation sa lungsod na ito Huwebes ng gabi.

Patay si Reynaldo Abordo at sugatan naman ang mga kasamahan nitong sina Rene Boy Guno at Johnny Calawigan.

Pinaghahahanap pa ngayon ang isang hindi pa nakikilalang suspek na nakatakas.

Ayon sa mga pulis, binentahan umano ni Calawigan ang pulisya ng isang paketeng shabu. Pero nang makatunog ito ay nagpaputok ang mga suspek habang nakikipagtransaksyon si Calawigan sa isang operatiba ng Butuan City Police Office intelligence unit.

ADVERTISEMENT

Hinarangan ng mga police ang kanilang sinakyan na SUV pero nakipagbarilan pa rin ang mga kasamahan ni Calawigan.

Tinamaan ng bala ang SUV ng mga suspek.

Nakuha pa ni Calawigan na maitakas ang sasakyan ng mga pulis. Nakatakas ding sugatan ang kasamahan nitong si Guno at isa pang hindi pa nakikilalang suspek.

Pero nahuli rin si Calawigan at Guno sa ginawang hot pursuit operation ng awtoridad.

Nang halughugin ng mga pulis ang sasakyan ng mga suspek, narekober ang ilang malalaking pakete ng pinaghihinalaang shabu na hindi bababa sa 900 grams. Nakuha rin ang apat na kalibre-.45, weighing scale at mga personal na gamit ng mga suspek.

Inaalam pa ngayon ng pulisya ang profile ng grupo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.