TFC News

ICYMI: Pinoy panalo sa raffle sa UAE, instant milyonaryo

Rachel Salinel | TFC News United Arab Emirates

Posted at May 17 2023 08:19 AM

DUBAI - Isang 35-taong gulang na Pinoy ang maswerteng nanalo ng isang milyong UAE Dirhams o 15.2 milyong piso sa naganap na raffle ng Mahzooz kamakailan.

Nagtatrabaho bilang radiographer ang Pinoy na si Sherlon. Kwento niya may isang taon din siyang matiyagang tumaya bago nanalo.

1

Birthdays ng pamilya, wedding anniversary at monthsary dates nilang mag- asawa ang naging lucky number combination niya. May naisip na rin siyang paglalaanan sa perang napanalunan.

Sampung taon na sa Dubai si Sherlon kasama ang kanyang asawa at apat na buwang anak na lalaki.

2

Nakwento rin niya na minsan siyang na-scam sa halagang higit sa siyam na daang libong piso kaya napakalaking bagay na manalo siya ngayon at makabawi rito.

Bukod sa Pinoy, nanalo din ang isang Nepali driver ng katumbas ng mahigit tatlong daang milyong piso at isang Indian mula Kuwait ng apat na daang gramong gold coins.

3

Balak ng Nepali winner na si Padam na bayaran ang utang habang mag-iinvest sa chocolate business ang Indian na si Abu Bakher.

Sina Sherlon at Padam ay kabilang sa 39 na naging instant millionaires sa nasabing raffle.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa UAE, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC