Mister ginilitan ng syota ng kaniyang misis nang mahuli sa kuwarto

ABS-CBN News

Posted at May 17 2021 06:43 PM

DAVAO CITY — Patay ang isang lalaki matapos itong gilitan ng umano'y kalaguyo ng kaniyang misis sa lungsod na ito noong Mayo 11.

Kinilala ang biktima na si Deby Binarao, 45.

Ayon sa ulat, pumasok si Binarao sa kuwarto ni Esteban Adan, 47, kung saan naabutan niya doon ang kaniyang misis.

May bitbit na samurai si Binarao bilang pantaga, pero naagaw ito ni Adan na siyang ginamit niya para gilitan ang biktima. 

Nakita ang katawan ni Binirao na inanod ng tubig baha papunta sa ilog ng Sitio Libas.

Sumuko naman ang suspek.

Aminado ang suspek na "syota" niya ang misis ni Binarao. 

Depensa pa niya, self defense ang ginawa niya.

Ani Police Maj. Jerome de Guzman, commander ng Mandug police station, kasong murder ang isasampa kay Adan, habang parricide naman sa misis ng biktima dahil umano sa "conspiracy."

—Ulat ni Cheche Diabordo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.