Driver ng inarkilang sasakyan timbog sa panggagahasa umano ng dalagita

ABS-CBN News

Posted at May 17 2021 07:02 PM | Updated as of May 17 2021 07:32 PM

Watch more in iWantTFC

Inaresto ng National Bureau of Investigation ang driver ng inarkilang sasakyan matapos mapagbintangang ginahasa ang 15 anyos na babaeng pasahero. 

Ayon sa tiyuhin ng biktimang si alyas "Jessica," nakilala ng dalagita ang suspek sa isang "rent-a-car" service sa Facebook.

Pangalawang beses na umanong kinontrata ng biktima ang suspek pero imbes na ihatid siya sa patutunguhan, dinala si "Jessica" sa isang motel at ginahasa.

Pero ayon sa suspek, hindi niya ginahasa ang biktima at dinala lang sa motel para magpahinga.

Kinasuhan ang suspek ng rape, child abuse at acts of lasciviousness.

Nagpaalala naman si Manuel Eduarte, head ng NBI Anti-Organized and Transnational Crimes Division, sa mga magulang na i-monitor ang ginagawa ng kanilang mga anak online.

Iniimbestigahan din ng NBI ang motel na pinuntahan ng suspek. Hindi raw kasi sila dapat tumatanggap ng bisita, lalo na mga menor de edad.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.