PatrolPH

12 huli sa raid sa 2 Subic drug den

ABS-CBN News

Posted at May 17 2021 02:37 PM

12 huli sa raid sa 2 Subic drug den 1
Mga ebidensiyang nakalap at suspek na nahuli sa isang drug den sa Subic, Zambales noong Mayo 16, 2021. Retrato mula sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Luzon

Aabot sa 12 tao ang naaresto ng mga awtoridad sa pagsalakay sa magkahiwalay na drug den sa Subic, Zambales nitong Linggo.

Unang sinalakay ng mga tauhan ng lokal na Philippine Drug Enforcement Agency at Subic police ang umano'y drug den sa Barangay Matain, kung saan naaresto ang 7 tao.

Nakuha umano sa mga suspek 12.55 gramo ng shabu na nagkakahalagang P81,575.

Sa Barangay Calapacuan naman naaresto ang 5 suspek at nakuha ang P105,000 halaga ng shabu.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.