Ambo humina bilang low pressure area

ABS-CBN News

Posted at May 17 2020 06:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tuluyan nang humina ang bagyong Ambo at isa na lang ngayong low pressure area (LPA), sabi ngayong Linggo ng state weather bureau na PAGASA.

Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 125 kilometro sa hilagang kanluran ng Basco, Batanes.

Inalis na rin ang Signal No. 1 sa Batanes pero inaasahan pa ring makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan doon.

Pinapayuhan pa rin ang maliliit na sasakyang pandagat lalo na sa Batanes at Babuyan Islands na huwag munang pumalaot.

Nasa 4 ang naiulat na namatay sa Eastern Samar sa kasagsagan ng bagyo habang isa naman sa Quezon province, ayon sa mga lokal na awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.