PatrolPH

Hardware store sa Mandaluyong nasunog

ABS-CBN News

Posted at May 17 2019 05:03 AM

MAYNILA - Nasunog ang isang hardware store sa Maysilo Circle, Mandaluyong City Biyernes ng hatinggabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy alas-12 ng hatinggabi sa loob ng hardware store.

Mabilis na iniakyat sa ikalawang alarma ang insidente dahil nasa tabi ang hardware store sa isang gasolinahan. 

Idineklarang under control ang sunog ala-1 ng madaling-araw.

Patuloy pa na iniimbistigahan ng mga awtoridad ang sanhi at danyos ng sunog. - Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.