Binatilyo, tinambangan sa Taguig

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at May 17 2019 07:43 AM

MANILA - Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa lungsod ng Taguig, Biyernes.

Ayon sa paunang ulat ng Taguig police, naglalakad lamang ang 18-anyos na biktima na si Henrick Besana sa Lozanes Street sa Barangay Central Bicutan nang biglang lapitan ito ng isang lalaki at biglang pinaputukan ng ng baril.

Mabilis na tumakas ang hindi nakilalang gunman habang naiwang nakahandusay sa kalsada ang biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulis na sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga at pagnanakaw ng motorsiklo ang biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.