ALAMIN: Mga aayusing bahagi ng C5, EDSA mula Mayo 17-20

ABS-CBN News

Posted at May 17 2019 03:30 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority na magkakaroon ng road reblocking sa ilang bahagi ng EDSA at C-5 Road simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Mayo 17. 

Gagawin ang pagkukumpuni sa mga sumusunod na kalsada: 

SOUTHBOUND: 

• EDSA papuntang EDSA-Aurora Boulevard Tunnel (ika-2 lane mula sa MRT Line)

NORTHBOUND:

• EDSA, 50 metro matapos ang Magallanes MRT hanggang KM 29 (outer lane) at mula KM 27+019 hanggang KM 26+921 (outer lane)
• EDSA kaharap ng Baliwag Transit hanggang New York St. (una at ika-2 lane mula sa bangketa)
• C-5 Road kaharap ng SM Aura/Market-Market

Madadaanan ang mga apektadong kalsada bandang alas-5 ng umaga ng Lunes, Mayo 20. 

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at gumamit na lamang ng mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.