Pilay, nabiktima ng hit and run sa Ilocos Norte

Kim Lorenzo, ABS-CBN News

Posted at May 17 2017 04:50 PM

SARRAT, ILOCOS NORTE—Isang pilay ang nabiktima ng hit and run sa Brgy. San Joaquin noong Linggo.

Pipilay-pilay na umano si Felix Salvador, 55, pero siya’y nabangga at tinakbuhan pa ng tsuper na nagmamaneho ng berde na kotse.

"Kahit papilay-pilay at mayroong pagkukulang sa pag-iisip ‘yung biktima talagang parati siyang palakadlakad pero sa gilid naman ng kalsada,” ani Chief Insp. Roldan Suitos ng Philippine National Police-Sarrat, Ilocos Norte.

Ang nakuha lamang ng pulisya ay ang sirang bahagi ng side mirror ng kotse.

Hindi na-plakahan ang kotse at hindi pa makilala ang driver nito.

Inaaral na nang pulisya ang mga CCTV footage sa mga posibleng dinaanan ng kotse.

Ang nakuhang side mirror ng pulisya sa kotse.
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.