2 hinihinalang tulak arestado sa buy-bust sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 17 2017 09:43 AM

MAYNILA - Arestado sa buy-bust operation sa Cubao, Quezon City ngayong Miyerkoles ang 2 hinihinalang tulak ng ilegal na droga.

Kinilala ang mga suspek na sina Narciso Zambales at Wilfredo Obar na umaming gumagamit ng ilegal na droga.

Todo-tanggi si Zambales sa paratang na nagtutulak siya ng droga at iginiit na baguhan lang siya sa bisyo.

Pero nang tanungin si Obar kung saan siya kumukuha ng droga, nilaglag din niya si Zambales at agad niya itong itinuro.

Si Zambales, na kasama sa drugs watchlist ng pulisya, ang siyang tunay na target ng buy-bust.

Inihahanda na ang kaso para sa dalawa.--mula sa ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.