LONDON- ‘It’s an honor and privilege to have the opportunity to show our talent and proudly wear our kimona on the world stage."
Ito ang naging pahayag ni Keren Miyazaki, miyembro ng Basingstoke Filipino Choir, matapos magtanghal ang kanilang grupo sa Coronation Concert nina King Charles III at Queen Camilla sa Windsor Castle sa Berskhire, England noong May 7.
Isa ang grupo ng mga Pilipino mula sa Basingstoke, Hampshire sa 300 performers mula sa 18 choral groups na inawit ang kantang ‘Brighter Days’ ng British singer-songwriter na si Emeli Sandé, sa engrandeng selebrasyon.
"Up to the point before our performance, I was still taking it all in as everything felt surreal. Of course, nerves kicked in, but we were reminded that we’re not only performing to King Charles III, but also to God," pagbabahagi ni Miyazaki na isang accountant sa UK.
Malaking bagay din anya ang pagkakapili sa kanilang grupo para mas mapansin ang galing ng mga Pilipino at makilala pa ang kontribusyon ng Filipino community sa buong United Kingdom.
‘When people talk about diversity in the UK, it’s seldom that you hear about Filipinos. I feel that being part of the Coronation Choir is an appreciation of the Filipino talent here in the UK, no matter what industry we’re working on,’ dagdag ni Miyazaki.
‘It was not a scam’
Hindi naman makapaniwala sa simula ang founder ng Basingstoke Filipino Choir na si Vina Estrada sa pagkakapili sa kanilang grupo.
‘A BBC producer called our choir leader, Aga Estrada, to submit an application. At first, he was skeptical and did research to ensure it was not a scam. The second stage was a video call with the producer to get to know more about the choir. We were then contacted (and told) that they will come over and shoot us rehearsing. It was only after the shoot when they told us that we were chosen as one of the choirs to sing for the King,’ kwento ni Estrada na isang nurse.
Apat na linggo silang naghanda para sa konsyerto kung saan kasama nilang nagtanghal ang iba pang singing groups na kumakatawan sa iba’t ibang sektor gaya ng healthcare workers, LGBTQ+, refugees at persons with disabilities.
‘We received the full music score and voice tracks to practice with. For two weeks, we practiced as our own group in Basingstoke and sent our rehearsal videos to Coronation Choir Master Gareth Malone. We were then invited to Windsor and sang a full 300 choir at St. George’s Chapel,’ saad ni Estrada.
Binuo ni Estrada ang Basingstoke Filipino Choir noong August 2002 matapos siyang hikayatin ng noo’y parish priest sa kanilang simbahan para tulungan ang mga bagong dating na Filipino nurses na nangungulila sa kanilang mga pamilya.
Nakabase ang choir, na mayroong 25 miyembro, sa St. Bede’s Catholic Church sa Basingstoke, Hampshire.
‘Honoured and proud’
Ipinagmamalaki naman ng mag-asawang nurse at Covid-19 survivors na sina Edgar at Bing Sablay mula Guildford, England, ang maging bahagi ng makasaysayang koronasyon noong May 6.
Napili sila para maging parte ng audience sa Queen Victoria Memorial Grandstand sa tapat ng Buckingham Palace mula sa raffle na binuksan para sa National Health Service (NHS).
Ang mag-asawang Covid-19 survivors na sina Edgar at Bing Sablay mula Guildford, England.
"There was overwhelming happiness to attend a once-in-a-time event. Amazing ang vibes sitting in the grandstand waiting for the King’s Parade. Iba ang ambiance even though ang pangit ng weather that time kasi umulan, parang wala kaming naramdaman na negative thoughts," kwento ni Sablay na nagtatrabaho sa Royal Surrey NHS Foundation Trust.
‘Royal Coverage’
Puno naman ng pasasalamat si ABS-CBN Europe, Middle East and Africa News Bureau Chief Rose Eclarinal sa pagkakataong maging bahagi muli ng isang royal event.
Si Eclarinal ang natatanging mamamahayag na nasundan ang pinakamalalaking royal events mula sa kasal ng noo’y Prince William at Kate Middleton, taong 2011 hanggang sa pagkamatay ni Queen Elizabeth II noong nakaraang taon, at ang katatapos na koronasyon.
Sabi ni Eclarinal, dahil sa News Bureau ng ABS-CBN sa Europa, natutukan niya at naibalita sa loob ng higit isang dekada ang dalawang royal weddings, dalawang jubilee celebrations ng namayapang Reyna, isang royal birth at christening, dalawang royal funeral at ang makasaysayang koronasyon.
Si Rose Eclarinal kasama si Ernie Delgado
‘Thank you, ABS-CBN News, for this opportunity to tell the story of Filipinos in the UK during the country’s royal events and occasions. Sa kabila ng mga hamon, ang inyong Patrol ng Pilipino, nandito pa rin,’ pagbabahagi ng batikang broadcast journalist.
Masaya rin si The Filipino Channel (TFC) News Correspondent Pyx Marfa na maging parte ng royal coverage na pinangunahan ni Eclarinal.
‘Kahit sobrang basa sa ulan, tuloy pa rin tayo sa pag-interview ng ating mga kababayang Pinoy sa experience nila. Imagine, after 70 years, ngayon lang ulit nagkaroon ng coronation,’ sambit ni Marfa.
Base naman sa TV viewing figures sa UK, umabot sa 20 milyong Briton ang tumutok sa koronasyon nina King Charles III at Queen Camilla.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.