PatrolPH

Ilang barangay sa Lemery, Batangas binaha dahil sa patuloy na pag-ulan

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at May 16 2022 09:23 PM

Bumaha sa ilang barangay sa Lemery, Batangas dahil sa malakas na ulan ngayong Lunes.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management ng Lemery, pasado alas-6 ng gabi nang magsimula ang pagbaha.

Hindi madaanan ang bypass road sa Barangay Palanas at ilang bahagi ng kalsada sa bayan.

Maraming mga sasakyan ang stranded at tumirik na.

Baha din sa Barangay Malinis at Ayao-iyao.

Kung magpapatuloy ang malakas na ulan, posibleng lumaki pa ang baha.

Wala naman inililikas pa na mga residente.

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.