PatrolPH

85% ng mga barangay sa Cebu City, wala nang active COVID-19 case

ABS-CBN News

Posted at May 16 2022 09:53 PM

CEBU CITY—Nasa 85 porsento ng mga barangay sa Cebu City ang wala nang aktibong kaso ng COVID-19, ayon sa mga awtoridad nitong Lunes.

Ininulat ng emergency operations center (EOC) na nasa 67 ng 80 barangay ng lungsod ang hindi na nakapagtala ng mga bagong kaso.

Ani EOC head Joel Garganera, may 27 na lang na active cases sa buong lungsod na nasa home isolation lang. 

Patuloy na din na bumaba ang positivity rate sa Cebu City. Nitong Linggo, nasa 0.43 porsento lang ito, o sa 467 na nagpa-test, dalawa ang nagpositibo. 

Pero nababahala pa rin si Garganera sa posibilidad ng tataas muli ang mga kaso lalo na at nanatili sa COVID-19 Alert Level 1 ang Cebu City. Pinapaalala niya ang mga Cebuano na palaging sundin ang mga health protocol.

Sa ngayon ay patuloy ang bakunahan sa Cebu City matapos ang halalan. 

Matatandaan na dumaan ng tatlong surge ng COVID-19 ang Cebu city magmula pa na magsimula ang pandemya noong 2020.—Ulat ni Annie Perez

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.