PatrolPH

Senior citizen patay sa pamamaril sa Tagum City

ABS-CBN News

Posted at May 16 2021 03:06 PM

Patay ang isang matandang magsasaka matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Tagum City, Davao del Norte noong umaga ng Sabado.

Kinilala ng Tagum police ang biktima bilang si Ruben Agudera, 63 anyos.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nasa labas ng kaniyang kubo sa Barangay Mankilam ang biktima nang dumating ang 2 salaring magkaangkas sa motorsiklo.

Bumaba umano ang angkas at tinanong ang biktima kung sino si Ruben. Nang malamang si Ruben pala ang kausap, agad pinagbabaril ang biktima.

Isinugod ang biktima sa ospital pero dead on arrival na.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa pagpatay.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.