Ebidensiyang nakumpiska sa buy-bust operation sa Zamboanga City noong Mayo 15, 2021, kung saan nahuli ang 2 miyembro ng Philippine Coast Guard at isang guro.
Naaresto ng mga awtoridad ang 2 miyembro ng Philippine Coast Guard at isang guro sa buy-bust operation sa Zamboanga City nitong Sabado.
Ayon sa pulisya, binentahan ng 3 suspek ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa operasyon sa Atis Drive, Barangay Baliwasan.
Nakumpiska sa mga suspek ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P200,000.
Samantala, nahuli rin sa Barangay Cabatangan sa Zamboanga City ang isang mag-asawa dahil din sa ilegal na droga.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
— Ulat ni Leizel Lacastesantos
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, krimen, war on drugs, shabu, buy-bust operation, rehiyon, regions, regional news, Zamboanga City, Coast Guard, Philippine Coast Guard