PatrolPH

Higit 20 bayan sa Quezon province, nawalan ng suplay ng kuryente dulot ng Ambo

Andrew Bernardo, ABS-CBN News

Posted at May 16 2020 12:12 AM

Higit 20 bayan sa Quezon province, nawalan ng suplay ng kuryente dulot ng Ambo 1
Nawalan ng suplay ng kuryente ang higit 20 bayan sa Quezon matapos daanan ng bagyong Ambo ang probinsya nitong Biyernes. Andrew Bernardo, ABS-CBN News

Nawalan ng suplay ng kuryente ang higit 20 bayan sa Quezon matapos daanan ng bagyong Ambo ang probinsiya, ayon sa isang opisiyal nitong Biyernes.

Sa panayam kay Melchor Abenilla, hepe ng Quezon provincial disaster risk reduction and management office, kinumpirma niya na may nagsasaayos ng mga linyang nasira at inaasahan may maibabalik na suplay ng kuryente sa ilang mga bayan sa Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw.

Umabot na sa higit 3,000 pamilyang nailikas mula sa kani-kanilang bayan na pansamantalang dinala sa mga evacuation center.

Patuloy naman ang monitoring ng Quezon PDRRMO sa mga ulat tungkol sa mga nasira at kung mayroong namatay dahil sa bagyo.

Plano nilang mag-ikot sa Sabado sa ilang bayan para malaman kung gaano kalaki ang pinsala ng bagyo.

Nagpapasalamat umano sila na hindi gaanong nagtagal ang bagyo sa lalawigan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.