PatrolPH

Bagsik ni Bagyong Ambo ramdam sa Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at May 16 2020 12:50 AM

Watch more News on iWantTFC

PAMPANGA - Maghapong nakaranas ng mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan kasabay ng malalakas na hampas ng hangin ang iba't ibang bahagi ng lalawigang ito.

May ilang bahagi rin ng probinsiya ang nawalan ng supply ng kuryente. Pero base sa situational report ng Pampanga Police Provincial Office at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, wala pang naitatalang matinding pagbaha sa probinsiya.

Sa bayan ng Guagua, may ilang mabababang barangay ang nagsisimula nang bahain.

Madadaanan pa naman ang lahat ng kalsada, pero hirap ang ilang motorista sa bayan ng Candaba dahil sa mga nagbagsakang sanga ng puno sa daan.

Sa bayan ng Floridablanca naman, bumangga ang mobile ng police matapos iwasan ang tumatawid na aso.

Kasagsagan umano ng pag-ulan kaya madulas ang daan dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber.

Activated ang operation center ng PDRRMC sa Barangay Sindalan, San Fernando, Pampanga. Prepositioned na rin ang disaster response equipment at manpower kasama ang iba pang member agencies.

Patuloy rin ang monitoring at koordinasyon sa mga local DRRMC sa overall na sitwasyon ng 21 LGUs sa Pampanga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.