SAPUL SA CCTV: AWOL na pulis, pinagbabaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 16 2019 04:13 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sugatan ang isang AWOL na pulis matapos pagbabarilin sa Barangay Salvacion, Quezon City Miyerkoles ng gabi.

Nagtamo ng 6 na tama ng bala ng baril si Police Cpl. Melvin Castillo, batay sa paunang ulat ng pulisya.

Sa kuha ng CCTV, galing sa isang mami house ang biktima at pasakay na sa kaniyang SUV nang pagbabarilin sa kanto ng N.S. Amoranto Sr. St. at Ipo St.

Nakatakbo si Castillo pero pinagbabaril pa rin habang papalayo ang 2 salarin na sakay ng motorsiklo.

Isinugod ang biktima sa Chinese General Hospital at kasalukuyang inooperahan.

Napag-alaman na dating kasapi ng Regional Anti-Illegal Drugs ng National Capital Region Police Office si Castillo bago nag-AWOL. - Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.