PANOORIN: MRT, muling nagkaaberya; mga pasahero, naglakad sa riles

ABS-CBN News

Posted at May 16 2019 10:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Naglakad sa riles ang mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos magka-aberya ito Huwebes ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, pinababa ang mga pasahero sa pagitan ng Quezon Avenue Station at Kamuning Station at sa pagitan ng Quezon Avenue at North Avenue Station bandang 8:21 ng gabi.

Ito ay dahil sa low power supply sa Overhead Catenary System (OCS) ng mga tren.

Agad umanong ipinaalam sa kinauukulan ang naging problema ng mga tren. May mga tauhan rin ang MRT-3 na umalalay sa mga pasahero.

Bandang 8:52 nang muling magkaroon ng supply ang OCS, at bumalik sa normal na operasyon ang mga tren bandang 9:11 ng gabi.

Humingi rin ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa mga pasaherong naapektuhan ng aberya.

Kasalukuyan na umanong iniimbestigahan ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.