Mga Romualdez at Petilla, hawak pa rin ang matataas na posisyon sa Tacloban, Leyte

Sharon Evite, ABS-CBN News

Posted at May 16 2019 12:53 AM

Hawak pa rin ng mga pamilyang Romualdez at Petilla ang mga matataas na posisyon sa Tacloban City at lalawigan ng Leyte.

Naiproklama na nitong Miyerkoles ang mga nanalong kandidato sa Tacloban City at lalawigan ng Leyte.

Ipinroklamang alkalde ng Tacloban City si Alfred Romualdez na hahalili sa kaniyang asawang si Mayor Cristina Gonzales-Romualdez na magreretiro na sa politika.

Nakakuha ng 73, 930 na boto si Romualdez.

Bagama't walang kalaban, naantala ang pagproklama kay Romualdez dahil sa mga depektibong SD cards.

Naiproklama na rin bilang kongresista sa unang distrito ng Leyte si Ferdinand Martin Romualdez.

Nakakuha siya ng 160,401 na boto.

Kapwa pamangkin ni Ilocos Sur 2nd District Rep. Imelda Marcos si Alfred at Ferdinand Martin.

Samantala, bagama't may hinihintay pang resulta mula sa bayan ng Albuera, inaprubahan na ng project management office ng Commission on Elections (Comelec) ang pagproklama sa kay reelectionist governor Leopoldo Dominico Petilla.

Nakakuha si Petilla ng 463,944 na boto.

Muli ring nanalo ang pinsan niyang si Carlo Loreto bilang bise gobernador. Nakakuha siya ng 383,871 na boto.