Lalaki patay sa pamamaril sa Zamboanga City

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at May 16 2019 11:03 PM

ZAMBOANGA CITY - Patay sa pamamaril ang isang drayber ng kuliglig sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City Huwebes ng hapon.

Nakatakbo pa ang biktimang si Arnold Aguado, 29 anyos, matapos barilin ng mga naka-motorsiklong salarin. Naabutan siya ng mga salarin at pinagbabaril sa katawan.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad niyang ikinamatay.

Ayon sa pulisya, maaring personal ang motibo sa pagpaslang. 

Hinahanap na ngayon ang mag-amang suspek sa pagbaril sa biktima. Retiradong sundalo umano ang isa sa mga suspek.

Patuloy pang pinaghahanap ang mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.