Dating OFW, fish vendor timbog sa droga sa Zamboanga

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at May 16 2019 10:10 PM

ZAMBOANGA CITY - Nasamsam ang P680,000 halaga ng hinihinalang droga mula sa 2 suspek sa Zamboanga City nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Police Major Mark Anthony Karanain, hepe ng Police Station 6, matagal na nilang binabantayan ang 2 suspek na parehong nakatira sa Barangay Talon-talon.

Ang babaeng suspek ay dating OFW habang ang kasama naman nitong lalaki ay nagtitinda ng isda bilang hanapbuhay.

Tumangging magbigay ng pahayag ang dalawang naaresto na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.