Dalagang nagulungan ng trak, pumanaw na

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at May 16 2019 12:25 PM

LAOAG CITY, Ilocos Norte - Pumanaw na ang dalagang nagulungan ng trak sa lungsod nitong Miyerkoles.

Desidido ang pamilya ni Keziah Grace Asuncion na sampahan ng kaso ang driver ng trak na si Kevin Ancheta.

Papuntang palengke ang 21-anyos na biktima sakay ng bisikleta nang mangyari ang aksidente alas-11:30 ng umaga ng Miyerkoles.

Ayon kay Ancheta, pagewang-gewang umano ang takbo ng biktima. Binusinahan niya ito at may naramdaman na lang siyang para nagulungan nang magkalapit na sila.

Huli na umano nang makapreno si Ancheta dahil nasagi na ng biktima ang sasakyan at natumba sakto sa gulong ng trak.

Agad na dinala sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital ang dalaga na binawian ng buhay alas-2:30 rin ng hapon.

Humingi naman si Ancheta ng paumanhin sa nangyaring aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.