3 batang magpipinsan, patay nang ma-trap sa loob ng kotse sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at May 16 2019 05:22 AM | Updated as of May 17 2019 01:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

BATAAN - Patay ang 3 magpipinsan matapos aksidenteng ma-trap sa loob ng isang kotse sa bayan ng Orion sa Bataan nitong Lunes.

Natagpuang walang buhay ang 3 babae na may edad na 6, 8, at 9 sa loob ng nakaparadang kotse.

"Na-suffocate sa sobrang init," ayon sa lola ng mga biktima.

Naglaro umano ang mga bata at nakapasok sa loob ng company car na naka-issue sa tatay ng isa sa kanila. Sira ang lock ng kotse kaya hindi nakalabas ang mga bata. 

Kinalampag ng mga bata ang sasakyan pero walang nakarinig dahil abala ang mga tao noon sa halalan.

Isang batang kalaro ang nakapagturo sa mga biktima na sumuka pa sa loob ng sasakyan. Isinugod sila sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Nasa bahay noon ang mga magulang nila na may isang eskinita ang layo mula sa kotse.

Naniniwala ang pamilya na aksidente ang nangyari at wala nang dapat sisihin pa. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.