Lalaking naka-motorsiklo, patay matapos pagbabarilin sa Antipolo

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at May 16 2018 07:41 PM

MAYNILA- Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Sitio Sumilang, Barangay San Jose sa lungsod ng Antipolo Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ng itim na motorsiklo ang biktimang si Simplicio Sabandal nang pagbabaralin siya ng isang hindi pa nakikilalalng salarin.

Pinagbabaril ng salarin ang biktima sa mukha na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay habang tumakbo lamang ang salarin para makatakas.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang insidente.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.