No-drink zones sa Boracay, pinalawak

ABS-CBN News

Posted at May 16 2017 01:28 PM

Lumawak pa ang mga lugar na bawal uminom at magpakalasing ang mga turista sa Boracay.

Sa bisa ng ipinasang ordinansa ng Malay, Aklan, babantayan na ng mga otoridad ang pag-inom ng alcoholic drinks sa mga pampublikong lugar, kasama ang dalampasigan.

Ipinagbabawal na ang pag-inom limang metro mula sa mga riverbank, public parks,at beach areas.

Bawal na rin maglasing anim na metro mula sa gitna ng kalsada, mga daan, sports complex, at public grounds.

Multang P500 hanggang sa posibleng pagkakakulong ang kahaharapin ng mga lalabag sa ordinansa. – Headline Pilipinas, 16 May 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.