Nakamotor na pulis, patay nang sumalpok sa bus

Rona Nunez, ABS-CBN News

Posted at May 16 2017 07:00 PM | Updated as of May 16 2017 07:01 PM

Patay ang isang pulis matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang pampasaherong bus, Lunes ng gabi sa Camarines Sur.

Dead on arrival sa Bicol Medical Center si PO2 Errol Boquiron.

Naganap ang aksidente pasado alas-9 ng gabi sa Barangay Pawili sa Pili.

Biyaheng Manila-Samar ang bus.

Sa lakas ng salpukan, mistulang pumasok ang motorsiklo sa kaliwang bahagi ng bus.

Agad na tumakas ang driver at konduktor ng bus.

Ayon sa pasahero ng bus na si Mario Marcial na nakaupo malapit sa unahan, mabigat ang daloy ng trapiko sa kabilang linya ng kalsada nang mangyari ang aksidente.

Bigla raw nag-counterflow ang motorsiklo saka bumangga sa bus.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.