Motorsiklo ng pulis, natangay sa labas ng presinto

ABS-CBN News

Posted at May 16 2017 08:48 PM | Updated as of May 17 2017 05:59 AM

Sapul sa CCTV ang pagnanakaw sa motorsiklo ng isang pulis. Umatake ang salarin ilang oras matapos iparada ng mga pulis ang kanilang motorsiklo sa labas ng presinto sa Tayuman, Maynila.

Sa kuha ng CCTV, nilampasan pa ng lalaki ang mga nakaparadang motorsiklo. Pero bumalik siya sabay sakay sa isa sa mga motor.

Wala pang isang minuto, natangay na ang motorsiklo.

Hindi naman daw naghinala ang mga tanod dahil inakala rin nilang pulis ang nagpatakbo ng motor.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng kawatan.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.