Menor de edad na nakapulot ng baril, nabaril ang sarili

Ria Galiste, ABS-CBN News

Posted at May 16 2017 01:40 PM

Isang menor de edad na lalaki na umano'y nakapulot ng baril ang aksidenteng nabaril ang sarili sa Vigan City.

Ginagamot pa ngayon sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang sa Vigan City ang 13-anyos na si "Jr."

Aksidente niyang nabaril ang kaliwang hita matapos mahulog ang baril na napulot niya umano sa tabing-dagat ng Barangay Mindoro nitong Linggo.

Sa ngayon, isinuko na sa pulis ang baril na isang homemade caliber .38.

Payo ng mga otoridad sa publiko, kapag nakapulot ng baril ay agad itong dalhin sa pinakamalapit na police station para maiwasan ang aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.