PatrolPH

Lalaki timbog sa umano'y pagnanakaw ng alahas sa Pasig

ABS-CBN News

Posted at May 15 2022 12:39 PM


MAYNILA — Arestado ang isang 18 anyos na lalaki matapos umanong looban at nakawan ang tirahan ng isang estudyante sa Pasig City.

Ayon sa complainant na si alyas "Justin," nakita niya ang suspek sa loob ng bahay sa Barangay Kalawaan nang pumasok sa kaniyang kuwarto.

Nagkagulatan umano ang dalawa kaya tumakbo papatakas ang suspek, bitbit ang mga alahas ng 20 anyos na estudyante.

Agad dumulog ang biktima sa police station kaya nagkasa ng follow-up operation na ikinahuli ng suspek, na residente ng parehong barangay.

Narekober sa suspek ang relo at singsing, subalit may isa pang branded na relo na hindi na naibalik.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek, na ngayo'y nasa kustodiya ng Pasig police.

— Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.