PatrolPH

2 motorcycle rider patay sa aksidente sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at May 15 2022 04:05 PM

Patay ang dalawang lalaki matapos magbanggaan ang sinasakyan nilang motorsiklo, gabi ng Sabado sa Dao, Capiz.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga nasawi bilang sina Joenel Celiz, 30, residente ng bayan ng Cuartero, at Nonito Flores, 28, taga-Mambusao.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sakay sa kaniyang motorsiklo si Celiz at pauwi na sa kanilang bahay. 

Pagdating sa may Barangay Nasunugan ay bigla siyang binangga umano ng kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Flores.

Sa lakas ng banggaan ay parehong tumilapon sa kalsada ang dalawang rider.

Isinugod pa sa ospital ang dalawa pero idineklara ring dead on arrival dahil sa mga malubhang sugat na natamo.

Parehong walang suot na helmet ang mga biktima nang mangyari ang insidente, ayon sa awtoridad.

— Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.