PatrolPH

2 patay sa pananaksak sa La Union; mag-amang suspek timbog

ABS-CBN News

Posted at May 15 2022 12:09 PM

Crime scene sa Agoo, La Union, kung saan namatay ang 2 lalaki matapos umanong pagsasaksakin ng mag-amang suspek. Retrato mula sa Agoo police
Crime scene sa Agoo, La Union, kung saan namatay ang 2 lalaki matapos umanong pagsasaksakin ng mag-amang suspek. Retrato mula sa Agoo police

Patay ang dalawang lalaki sa Agoo, La Union matapos umanong pagsasaksakin ng mag-amang suspek, sabi ng pulisya.

Nagsimula ang insidente nang magtungo ang ama na suspek noong gabi ng Huwebes sa kaniyang kaibigan, na kapitbahay ng biktima, ayon sa imbestigasyon.

May biro umanong binitawan ang ama, na hindi nagustuhan ng biktima kaya nagkaroon ng komprontasyon at suntukan. 

"Nasabi kasi nitong suspek sa kaniyang kaibigan, 'Ay gusto mo barilin kita.' Ganoon ang sinasabi... Iba naman ang pagkakaintindi, na-misinterpret niya siguro dahil nasa impluwensiya ng alak [kaya] kinumpronta niya ito," sabi ng imbestigador na si Corp. Fidel Ramos.

Umuwi ang suspek at pagbalik nito sa crime scene sa Barangay San Nicolas ay kasama na niya ang kaniyang anak para gantihan umano ang biktima.

"Agad nilang hinanap itong nanuntok sa kanya. Noong makita nila ay agad nilang pinagtulungan nila ito," ani Ramos.

May isang sumubok na pumigil sa gulo pero maging ito'y nasaksak ng mga suspek.

Dead on arrival sa ospital ang mga biktima dahil sa tinamong mga saksak sa kani-kanilang dibdib.

Nahuli rin ang mga suspek sa isinagawang hot pursuit operation.

— Ulat ni Grace Alba

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.