PatrolPH

Dating pulis tiklo sa buy-bust sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at May 15 2021 02:23 PM

Dating pulis tiklo sa buy-bust sa Pampanga 1
Narekober sa suspek na dating pulis ang 5 sachet ng hinihinalang shabu, baril at mga bala sa operasyon sa Barangay San Nicolas sa Floridablanca, Pampanga. Larawan mula sa Police Regional Office 3

Inaresto ng mga pulis ang dati nilang kabaro nitong Sabado dahil sa pagkakasangkot umano sa ilegal na droga.

Hinuli sa pinagsamang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Unit-Provincial Intelligence Unit, Pampanga Police Provincial Office at Floridablanca Station Drug Enforcement Unit sa Barangay San Nicolas ang 43 anyos na target na dating pulis sa nasabing bayan.

Nakuha sa operasyon ang limang sachet ng hinihinalang shabu na nasa 20 gramo ang bigat at tinatayang nagkakahalaga ng P136,000.

Bukod sa droga, narekober din ng awtoridad mula sa suspek ang isang baril, magazine at mga bala. 

- Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.