Lolo, patay nang ma-stroke matapos bumoto

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at May 15 2019 11:43 AM

Namatay ang isang 70-anyos na lalaki nang makaranas ng stroke matapos bumoto sa Cebu City noong Lunes sa gitna ng matinding init. 

Bigla umanong nagcollapse sa labas ng kaniyang voting precinct sa Pasil Elementary School si Bernardo Eronico, ayon sa apo niyang si AJ Balinguat

Hindi agad natulungan si Eronico dahili naipit ang mga medic sa kapal ng mga tao, dagdag pa niya.

"Okay naman siya before voting. Siguro naka-trigger din talaga ang sobrang init," sabi ni Balinguat.

Pitong taon nang nakakaranas ng high blood ang kaniyang lolo, na retired seaman, dagdag niya.

Stroke ang ikinamatay ni Eronico, base sa kaniyang death certificate. 

Naitala ng PAGASA ang init na 35.3 degrees Celsius at heat index na 41 degrees Celsius sa Cebu noong Lunes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.