5 drum ng langis tumagas sa bahagi ng Bucao River sa Zambales

ABS-CBN News

Posted at May 15 2019 07:56 PM

MAYNILA — Isang oil spill mula sa isang Singaporean vessel na may mga Chinese crew ang naitala noong Mayo 8 sa isang bahagi ng Bucao River sa Botolan, Zambales, kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Miyerkoles.

Ayon sa sa DENR-Central Luzon, naka-preposition ang barko para sa gagawing dredging doon habang hinihintay na maaprubahan ang kanilang permit ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Limang drum ng langis ang tumapon sa dagat. 

Nagrereklamo naman ang mga residente ng Barangay Bangan dahil apektado na ang kanilang pangingisda. Anila, ang mga isda na nakukuha nila ay amoy langis na.

Nagtakda ng isang technical conference ngayon ang DENR, Philippine Coast Guard at mga residente sa barangay para pag-usapan ang nangyari.

Pinaplano na rin ng DENR na magkaso sa may-ari ng registered na Singaporean vessel na hindi muna pinangalanan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.