1 patay sa banggaan ng motorsiklo at SUV

Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

Posted at May 15 2019 08:54 AM

Nagmamadali umano ang rider ng motorsiklo para 'di mahuli sa pinapasukan nitong call center nang maaksidente.

DAVAO CITY – Patay ang isang rider matapos na bumangga ang kaniyang motorsiklo sa isang SUV, Miyerkoles ng madaling araw.

Sumalpok ang motorsiklo ni John Oscar Baladjay sa SUV sa may kahabaan ng Tulip Drive, McArthur Highway.

Ayon sa kasintahan ni Baladjay, nagmamadali ang lalaki para hindi ma-late sa sa pinapasukang call center.

Paliwanag naman ng driver ng SUV na hindi niya namalayan na paparating ang motorsiklo nang mag yield on green pakaliwa mula sa national highway.

Patuloy pa ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Mobile Patrol Group sa aksidente.

Nagpaalala naman ang awtoridad na magmatiyag nang maige bago tumawid upang makaiwas sa disgrasya.

Isinailalim naman sa liquor test ang SUV driver na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property and homicide.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.