Sunog sumiklab sa warehouse sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at May 15 2018 04:31 PM | Updated as of May 15 2018 07:09 PM

MAYNILA (2nd UPDATE) - Sumiklab ang sunog sa isang warehouse ng glassware sa Pascor Drive, Barangay Sto. Niño sa lungsod ng Parañaque nitong Martes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Parañaque, nagsimula ang sunog 3:30 ng hapon na itinaas sa ikatlong alarma matapos ang 10 minuto.

Ayon sa isang empleyado na si Leah Jornales, nag-spark ang kuryente sa sirang bumbilya sa likurang bahagi ng unang palapag ng warehouse kung saan marami ang mga karton na nakaimbak.

Maya-maya ay bigla na lang sumiklab ang apoy at agad naglabasan ang mga empleyado at mga customer ng warehouse.

Nasugatan naman sa braso ang isang empleyado na si Reynaldo Valenzona habang sinusubukang tumulong sa pag-apula ang apoy.

Patuloy na inaapula ng mga bombero ang sunog.

I-refresh ang pahinang ito para sa iba pang detalye.

-ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.