Murang school supplies, saan mabibili?

ABS-CBN News

Posted at May 15 2017 09:17 PM | Updated as of May 16 2017 12:28 AM

Sa mga magulang na medyo gipit sa gastusin ngayong papalapit na ang pasukan, good news po! May ilang lugar sa Metro Manila na puwedeng puntahan para makabili ng murang school supplies.

Bagsak-presyo ang mga gamit pang-eskuwela sa isang warehouse sa Commonwealth Ave. sa Quezon City. Kumpara sa presyo sa malls, laking mura ng mga ibinebenta roong notebooks, crayons, school uniform, at iba pa.

Presyo ng school supplies sa warehouse:
Lapis at ballpen P5 kada piraso
Box of 8 crayons P9
Pencil cases P29 – P35
School bags P115 – P209

Sa isang bazaar naman sa Marikina, puwedeng makabili ng mga sapatos na mas mura nang hanggang 70% kumpara sa ibinebenta sa labas. Sa halagang P250, may mabibiling pambatang sapatos na pamasok. Nasa P1,000 ang pares ng sapatos para sa mas matatanda nang estudyante.

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.