Mga pulis sa Metro Manila, babalasahin

ABS-CBN News

Posted at May 15 2017 05:38 PM

MANILA- Nakatakdang balasahin ni National Capital Region Police Office Regional Director Oscar Albayalde ang ilang matataas na opisyal ng pulisya sa Metro Manila.

Ayon kay Albayalde, kabilang rito ang ilang chief of police at station commanders na sa tingin nila ay kailangang mailipat o matanggal sa pwesto.

Sa isang pulong nitong Lunes, binalaan din ni Albayalde ang lahat ng police commanders na hindi siya magdadalawang isip na tanggalin sila sa pwesto sakaling may masangkot sa kanilang mga tauhan sa anumang krimen.

Agad na sinimulan ang balasahan kanina matapos pagpalitin ang hepe ng MPD Station 2 at Station 3.

Matatandaang nangyari ang sunod-sunod na pagsabog kamakailan sa Quiapo na sakop ng Station 3.

Ani Albayalde, sana ay magsilbing babala sa mga komander ang pagkakasibak ng hepe ng Makati Police dahil sa diumano’y pangingikil sa magkasintahan kamakailan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.