Libreng WiFi, aprub na sa Kongreso

ABS-CBN News

Posted at May 15 2017 07:23 PM | Updated as of May 15 2017 10:33 PM

Lumusot na sa parehong Senado at Kamara ang panukalang batas na nagtatakda ng free WiFi sa buong bansa.

Kabilang sa mga lugar na magkakaroon ng libreng WiFi ay ang mga opisina ng gobyerno, pampublikong paaralan at ospital, public plaza, at mga airport, pier at iba pang terminal ng mga pampulikong sasakyan.

Inaasahang may bilis na 2 Mbps at pataas ang libreng internet.

Pero mukhang matatagalan pa bago ito maipatupad dahil nakadepende pa rin ang bilis ng internet sa imprastraktura at signal sa isang lugar.

May programang libreng WiFi na ang gobyerno pero dahil magiging batas na ito ngayon, obligado na ang iba't ibang ahensiya na ipatupad ito.

Hiling naman ng taumbayan, sana mapabilis ang pagpapakabit ng libreng WiFi para makamenos na sila sa gastos sa internet. Sana rin daw, hindi bumagal ang koneksiyon kapag marami na ang gumagamit nito.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.